Iinspeksyunin ng mga mambabatas mula sa Kamara at Senado ang mga proyektong pabahay ng pamahalaan sa Pandi, Bulacan.
Kasunod ito ng isinagawang pinag-isang imbestigasyon ng dalawang kapulungan bunsod ng ginawang pag-okupa ng grupong kadamay sa mga housing unit ng pamahalaan.
Ayon kay Senador JV Ejercito, chairman ng senate committee on urban planning, housing and resettlement, layon nitong makita ang kasalukuyang kundisyon ng mga pabahay ng gubyerno.
Nagtataka naman sina Ejercito at counterpart nitong si Rep. Alfredo Benitez kung bakit ayaw lipatan ang mga nasabing pabahay ng mga sundalo at pulis na benepisyaryo nito.
Paliwanag naman ni benitez, sa ilalim ng kasalukuyang budget, tanging sa mga sundalo’t pulis lamang nakalaan ang mga nasabing pabahay at kailangan pa ng basbas ng Kongreso para mailipat iyon sa iba.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno