Nanawagan na si Pangulong Noynoy Aquino sa kongreso na ipasa na ang Freedom of Information o FOI Bill sa kabila ng kabiguan ng banggitin ito sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), noong Lunes.
Nakasaad ang panawagan ng Pangulo sa kanyang budget message sa P3 trilyong pisong panukalang pambansang pondo para sa taong 2016 na isinumite ni Budget Secretary Butch Abad sa Kongreso, kahapon.
Bagaman lusot na sa Senado ang bersyon nito ng FOI na Senate Bill 1733 noon pang March 10, 2014, nananatiling nakabinbin ang panukala sa kamara.
Author ng naturang bill sa Kamara sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Batanes Rep. Henedina Abad.
Layunin ng pagpasa ng kontrobersyal na bill na matiyak ang permanency ng transparency policies.
By Drew Nacino