Kinondena ng House of Representatives ang pananambang sa kanilang dating kasama na si Pangasinan Rep. Amado Espino Jr.
Ayon kay Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, nagpahayag ng makondena sa pinakamatinding pamamaraan si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagtatangka sa buhay ni Espino kung saan namatay ang isa sa mga bodyguard nito.
Aniya, walang puwang ang tulad nitong marahas na aksyon sa ating lipunan lalo pa’t naging malawak at matagumpay ang pagkilos ng pamahalaan laban sa ganitong klase ng krimen.