Nakatakdang magsagawa ng sesyon ang mababang kapulungan ng kongreso sa Batangas sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Kasunod ito ng pag-sangayon ng mga Kongresista sa mosyon ni House Majority Leader Martin Romualdez.
Gagawin ang sesyon sa Batangas City Convention Center sa January 22, Miyerkules bandang ala una ng hapon.
Nanatili pa rin sa alert level 4 ang Bulkang Taal kahit pa nabawasan na ang paglalabas nito ng usok at abo.