Mayroon nang rason ang Kongreso upang magsagawa ng imbestigasyon sa maanomalya umanong frigate deal ng Philippine Navy at Hyundai Heavy Industries.
Ito ang inihayag ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano makaraang mapag-alamang ipina-ban ang nabanggit na South Korean Firm na makibahagi sa mga government bidding sa loob ng dalawang taon.
Sapat na aniya ang record ng “corrupt activities” ng Hyundai upang agarang maglunsad ng imbestigasyon hinggil sa pagbili ng mga barkong pandigma ng navy mula sa naturang kumpanya matapos ang ipinataw ditong two-year ban imposed.
Iginiit ni Alejano na ang dapat ding kuwestyunin at pagdudahan ng gobyerno ng Pilipinas ang record ng Hyundai tulad ng pagkakasangkot nito sa bribery scandal sa South Korea noong 2013.