Pinaghihinay – hinay ng CHED o Commission on Higher Education ang Kongreso sa pagtapyas sa budget ng ibang mga programang pang – edukasyon para mailagay sa budget ng Free Tuition Free Law.
Ayon kay CHED Chairperson Patricia Licuanan, mga estudyante din ang mahihirapan sakaling bawasan ng budget ang ibang programang laan para sa kanila tulad na lamang ng K-12 budget.
Inihalimbawa ni Licuanan ang pagtapyas ng Kongreso sa budget ng CHED K-12 kung saan isinasalang nila sa training ang mga primary, secondary at tertiary school teachers.