Posibleng hindi na magsagawa ng bicameral conference committee meeting ang Kongreso.
Ito ayon kay Senador Edgardo Angara ay para mapabilis ang pag apruba sa panukalang pagkakaruon ng vaccine indemnity fund o Senate Bill 2057 at kaagad makabili ng COVID-19 vaccines o House Bill 8648 at posibleng i-adopt na lamang ang isang version ng Kamara.
Ang mga nasabing panukala aniya ay una nang sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte kayat maaaring maaprubahan sa second at third reading bukas, Lunes hanggang Miyerkules.
Layon ng Senate Bill 2057 na i-authorize ang Department of Health at National Task Force against COVID-19 na magsulong ng negotiated procurement ng COVID-19 vaccines at mga kailangan pang supplies at services para sa kanilang storage, transport at distribution.
Pinapayagan din ng panukala ang local government units na bumili ng COVID-19 vaccines at supplies at services sa pakikipag ugnayan sa DOH at NTF sa pamamagitan ng multi party agreements.