Posibleng sa Enero sa susunod na taon na mag – convene ang Senado at Kamara bilang Constituent Assembly o “Con- Ass” para sa pag – amyenda sa saligang batas.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez , magiging abala na sila sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Mayo kung saan tatalakayin nila ang pagpasa sa 2019 national budget at iba pang mahahalagang panukala.
Inaasahan aniya na ipapasa na sa kanila ang National Expenditure Program para sa 2019 matapos ang State Of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.
Dagdag pa ni Alvarez , imposibleng mag – convene sila ng Senado bilang “Con – Ass” sa Oktubre dahil “filing” ito ng Certificate of Candidacy para sa 2019 midterm elections.