Ipinababalik na ng Kongreso sa Commission on Higher Education o CHED ang apatnapung (40) bilyong pisong pondo na ibinigay sa kanila para sa School Year 2017-2018.
Paliwanag ni Senador Bam Aquino, isa sa mga author ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act, bigong maipatupad ng CHED ang layunin ng pondo na gawing libre na ang tuition at miscellaneous expenses sa mga state universities and colleges (SUCs) sa bansa.
Iginiit ni Aquino na kanilang nabatid na nangongolekta pa rin ang mga pamunuan ng SUCs ng matrikula at iba pang bayarin mula sa mga estudyante.
Maliban dito, natuklasan din ng Kongreso na halos pitong buwan matapos na isabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Free College Law ay bigo pa rin ang CHED na makabuo ng implementing rules and regulations (IRR) para rito.
—-