Sang-ayon ng mga mambabatas ang posisyon ng World Health Organization (WHO) hinggil sa pagkakapareho ng dalawang pneumococcal conjugate vaccines (PCV)’s sa merkado sa ngayon.
Kung kaya’t ayon kay Congresswoman Angelina Tan, Chair ng Committee on Health ng Kamara, hindi dapat aniyang pabayaang magkaruon ng monopolyo sa PVC’s nang hindi mapamahal ang gastos ng kagawaran ng kalusugan.
Dagdag pa nito, oras na lumabas sa pag-aaral na mabisa ang PCC10 at PCV13, ay dapat aniyang sumailalim ito sa competitive procurement nang makatipid ang bansa.
Magugunita na patuloy pang sumasailalim sa pagrerebyu ng health technology assesment ang vaccination program ng bansa hinggil sa presyo, bisa at kaibahan nito sa mga ginagawang vaccine.
Kasunod nito, sa bisa ng isang resolusyon, pinatitiyak ni ako padayon partylist congressman adriano ebcas, ang isang ligtas na pagsasagawa ng national immunization program (NIP) para sa mga bata ngayong may covid crisis.