Sisimulan na ng Kongreso ang information dissemination campaign tungkol sa Con-Ass o Constituent Assembly bilang paghahanda para sa pagbabago sa 1987 constitution na magpapalit sa sistema patungo sa gobyernong Pederal.
Ayon kay Southern Leyte Rep. Roger Mercado, Chairman ng Committee on Constitutional Amendments, magsisimula ang Caravan sa Dagupan City Sa Pebrero 24.
Aniya, gagawa ng report ang panel kung saan irerekomenda nito ang con-ass bilang paraan ng charter change.
Paliwanag ni Mercado, magsasagawa rin sila ng caravan sa mga lungsod ng Bacolod, Davao at Tacloban.
By: Jelbert Perdez