Suportado ng kongreso ang mga inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior para maprotektahan ang mga Pilipinong mandaragat at mapaunlad ang maritime sector ng bansa.
Ito ang naging pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa International Transport Workers’ Federation Seafarers’ Expo na ginanap sa Pasay City.
Ayon sa opisyal, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos, nakatuon sila na pagyamanin ang magandang kapaligaran na nagtataguyod ng kapakanan ng mga marino, sumusuporta sa paglago ng industriya ng maritime, at nagsusulong ng mga napapanatiling kasanayan.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez, na isa sa mga itinutulak ng administrasyong Marcos ang pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers, o isa sa 33 priority bills na naipasa ng KAMARA.
Giit ni Speaker Romualdez, na ang pangangailangan na magkaroon ng mga bagong kasanayan ang mga pinoy seafarer para mapanatiling competitive ito.
Samantala, aabot sa 489,852 ang bilang ng mga Filipino Seafarers sa buong mundo mula noong 2022. – sa panunulat ni Jenn Patrolla