“Maaaring palawigin ang martial law hanggang katapusan ng mundo.”
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson makaraang igiit na wala namang nakasaad na limitasyon sa pagpapalawig ng batas militar.
Ayon kay Lacson, kahit ilang araw o buwan ang ihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial Law sa Mindanao, ang kongreso ang tanging may kapangyarihan na palawigin ang batas militar, alinsunod sa konstitusyon sa pamamagitan ng joint session.
Nangangahulugan anya ito na inisyatibo lamang ng Pangulo ang mag-mungkahi ng pagpapalawig ng batas militar at matapos nito ay nasa kamay na ng Kongreso ang pagpapasya kung aaprubahan ito o hindi at kung gaano katagal ang kanilang aaprubahang extension.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Kongreso tanging may kapangyarihan palawigin ang ML- Sen. Lacson was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882