Tutulong na ang kongreso para mapababa ang presyo ng mga bilihin lalo na sa mga pagkain.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, magsasanib-pwersa at mag-iimbestiga ang limang komite ng kongreso kung bakit mataas pa rin ang presyo ng mga pagkain gayung mababa naman ang presyo nito sa farmgate at presyo sa pandaigdigang kalakalan lalo na ang bigas.
Inatasan na ng opisyal ang Committee on Ways and Means; Food and agriculture, trade and Industry; Food Security; at social Services na alamin kung ang mataas na presyo ng bilihin ngayon ay dikta ng monopolyo o smuggling.
Binigyang-diin pa ni Speaker Romualdez na wala silang sasantuhin kung sinuman ang nasa likod ng pagkontrol ng presyo ng bilihin at handa nila itong sampahan ng price manipulation o smuggling.