Pinakawalan na ng Abu Sayyaf ang konsehal ng Jolo, Sulu na si Zed Tan matapos ang mahigit isang buwang pagkaka-bihag nito.
Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, pinalaya si Councilor Tan dakong 9:00 ng gabi noong undas sa Barangay Talipao.
Nasa maayos namang kalagayan ngayon ang konsehal at kapiling na ang kanyang pamilya makaraang isalang sa debriefing, gayundin sa medical examination.
Magugunitang dinukot ng mga bandido ang konsehal noong Setyembre 27 ng taong kasalukuyan habang nagbibisekleta sa kanilang lugar.