Isang konsehal sa bayan ng San Miguel ang nakaligtas sa pananambang sa Bulacan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard ” Richie” Dela Cruz Pelayo, 49-anyos.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagpanggap na kliyente sa paupahang commercial building ng biktima, ang isa sa mga suspek.
Ilang saglit pa umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril, kung saan masuwerteng hindi ito tinamaan.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.
Agad namang nakaresponde ang awtoridad habang naniniwala ang biktima na politika ang dahilan ng tangkang pananambang at inaming nakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay noong buwan ng hunyo, kasama ang dalawa pa na konsehal ng bayan.