Patay sa pamamaril ang Konsehal ng Barangay Tabinay, Puerto Galera sa Oriental Mindoro at ang anak nito, dakong 3:30 ng hapon ng Martes, Oktubre 3.
Kinilala ang mga biktima na sina Melchor Arago, 52 taong gulang at ang anak nito na si Kenneth Arago, 15 taong gulang.
Ayon sa mga nakakita, nasa loob ng sasakyan na naka-parada sa harap ng kanilang bahay si Konsehal Arago nang hintuan ito ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo at pagbabarilin.
Gayunman, habang papatakas na ang mga suspek sa crime scene, nakita nito ang anak ng Konsehal na papalabas ng kanilang bahay at pinagbabaril din ng ilang beses.
Kapwa nagtamo ng multiple gunshot wounds ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan na nag-resulta ng pagkamatay ng mga nito.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng manhunt operations at masusing imbestigasyon ang Puerto Galera Municipal Station sa nangyaring insidente.