Patay matapos tambangan ang konsehal ng bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.
Kinilala ni Liloy Police Chief, Major Alexis Bahunsua, ang biktimang si Ernesto Bihag Jr., 46 anyos, residente ng barangay Causwagan.
Ayon kay Bahansua, minamaneho ni bihag ang isang puting toyota fortuner patungong barangay communal nang gitgitin ng maroon na toyota innova sa highway at pinaputukan ng mga lalaking sakay nito.
Matapos nito ay bumangga naman ang sasakyan ng konsehal sa puno ng kamagong.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at naisugod pa sa ospital pero hindi na ito nakaabot ng buhay.
Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at sino ang nasa likod nito.—sa panulat ni Drew Nacino