Isinulong ni Senador Imee Marcos ang pag adopt sa konseptong sponge cities para maibsan ang pinsala ng mga bagyong pinatitindi pa ng climate change.
Binigyang diin ni Marcos sa kaniyang inihaing resolusyon na naging matagumpay sa pagkontrol ng flash floods sa China at India ang sponge cities na isang storm water management strategy.
Sinabi ni Marcos na nakapaloob sa strategy ng sponge cities ang pinagsama-samang imprastruktura ng tubig mula sa pinagbagsakan ng ulan patungo sa water treatment facilities.
Layon ng hakbang na makontrol ang baha at makaipon din ng tubig para gawing inumin o gamitin bilang tubig na panlinis.
Ang mga aspaltadong kalsada at sidewalk na mayroong maliit na butas sa ibabaw ay dapat ding subukan sa mga lungsod para masipsip kaagad ang mga ulan.
Habang ang sobrang buhos ng padadaluyin patungong dagat sa pamamagitan ng isang buong sistema ng mga kanal, floodway at spillway para nmaiwasang bumigay at umapaw sa mga tabing ilog at mga lawa.
Sinabi ni Marcos na kailangang makalikha ang bansa ng sariling bersyon ng konseptong sponge cities habang iniimbestigahan ang man-made disaster na dulot ng bagyong Ulysses at pagpapakawala ng tubig ng Magat dam.