Matatapos na umano ang konstruksyon ng tatlo (3) sa pitong (7) islang ginagawa ng China sa South China Sea.
Batay ito sa research ng US Think Tank na CSIS-AMTI o Center for Strategic and International Studies-Asia Maritime Transparency Initiative.
Lumalabas sa pinakahuling satellite photos ng Subi, Mischief at Fiery Cross Reefs sa Spratlys na nasa huling yugto na ng konstruksyon ng mga istruktura sa nasabing man-made islands doon na gagamit umano ng China sa military operations nito.
Ang mga naturang isla na tinaguriang big 3 ay mayroong hangar na may kakayahang magtaglay ng hanggang dalawampu’t apat (24) na fighter jets at apat na mas malalaking eroplano.
Bukod pa ito sa umano’y shelter na may retractable roof na posibleng magamit bilang taguan ng mobile missile launchers.
By Judith Larino
Photo: CSIS Asia Maritime Transparency Initiative