Umaabot na sa 51% completion ang common station na kumokonekta sa halos apat na rail lines sa National Capital Region (NCR).
Sa facebook post ni Transportation Secretary Arthur Tugade, sinabi nito na minamadali na nila ang konstruksyon ng common station ito na konektado sa LRT-1, MRT-3, MRT-7, at Metro Manila Subway.
Matatandaan na naudlot ang dapat sanay pagsisimula ng partial operation ng istasyon bago matapos ang taong 2020 dahil sa ilang bagay na hindi na ipinaliwanag ng Department of Transportation.
Bunsod nito, inihayag ni Tugade na sakaling maging operational na sa 4th quarter ng 2021 ang common station, aabot sa 478,000 passengers ang mabibigyan nito ng serbisyo kada araw.