Nakatakda nang simulan sa Mayo 7 ang aktuwal na konstruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension Project.
Pagdurugtungin ng nasabing 11.7 kilometer railway extension project ang Baclaran at Bacoor, Cavite kung saan itatayo ang walong bagong istasyon.
Target ng DOTr at Light Rail Manila Corporation na matapos ang proyekto sa huling quarter ng taong 2021.
Inaasahang magiging 25 minuto na lamang ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite mula sa kasalukuyang isang oras at sampung minuto.