Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang konstruksyon ng Metro Manila Subway na nagkakahalaga ng 355.6 Billion Pesos.
Ayon kay National Economic and Development Authority Director-General at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang nasabing proyekto ay bahagi ng 8 Trillion Peso infrastructure program ng Duterte Administration.
Sisimulan anya ang konstruksyon ng subway sa susunod na taon na makatutulong naman sa transportation system ng Metro Manila at maibsan ang masikip na daloy ng trapiko.
Magmumula sa Japanese Government ang bahagi ng pondong gagamitin sa pagtatayo ng subway na mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
SMW: RPE