Abiso sa mga motorista
Magsisimula na bukas, Enero a-kinse ang konstruksyon ng MRT-7 sa North Avenue Station sa tapat ng VMMC o Veterans Memorial Medical Center.
Dahil dito, pinaiiwas muna ang mga motorista sa nasabing kalsada at pinaayuhang humanap ng alternatibong ruta.
Ayon sa MRT 7 project traffic management task force, magsisilbing working area ang center island at ang magkabilaang innermost lane ng North Avenue.
Dahil dito, 3 linya na lang ng North Avenue ang madadaanan papuntang circle habang 2 linya naman papuntang EDSA.
Sa kabilang banda, magpapatuloy naman ang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue dahil pa rin sa konstruksyon ng MRT 7.