Sinimulan na ang konstrusksyon ng itatayong National Government Administrative Center sa New Clark City na nagkakahalaga ng 13 billion pesos.
Ang proyektong ito ay magkakaroon ng mahalagang papel para sa Southeast Asian Games na nakatakdang ganapin sa 2019.
Tampok dito ang itatayong world class sports complex na mayroong Aquatics and Athletic Center at iba pang pasilidad na magiging venue ng bansa para sa nasabing aktibidad.
Dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto kabilang dito sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Public Works Secretary Mark Villar at Transportation Secretary Arthur Tugade.
Ang New Clark City Project ay bahagi ng programang Build, Build, Build ng administrasyong Duterte.
—-