Nasa huling bahagi na ang konstruksyon ng Tarlac, Pangasinan, La Union Expressway (TPLEX).
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, target nilang tapusin ang proyekto ngayong taon.
Nagkakahalaga ng 24.4 billion pesos ang TPLEX na may habang 89.31 kilometers at inaasahang gagamitin ng nasa dalawampung (20) libong sasakyan kada araw.
Pinondohan ito sa pamamagitan ng private infra development corporation na consortium ng rapid thoroughfares incorporated, grand trackway holdings, DMCI at D.M. Consunji sa ilalim ng build-transfer-operate scheme.
Sa oras na makumpleto, inaasahang mababawasan ng isang oras ang kasalukuyang tatlo’t kalahating oras na biyahe mula Tarlac hanggang Rosario, La Union.