Sinuspinde ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang konstruksyon ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road Project dahil sa banta ng CPP-NPA.
Ayon kay DPWH 33rd Engineering District-Pangasinan Engr. Larry Flores, ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga manggagawa sa naturang kalsada na tinawag na Valle Verde Trail.
Base na rin ito sa naging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP kasunod ng engkwentro na naganap noong Hulyo 28 kung saan dalawa ang nasawi.
Aniya, hinihintay pa rin nila ang rekomendasyon ng AFP at PNP kung kailan maaaring ituloy ang contruction activities.
Una nang target ng DPWH na matapos ang Valle Verde Trail sa Disyembre na layong maging alternatibong ruta mula Maynila patungong Isabela at Cagayan.
By Rianne Briones