Nilagdaan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kontrata para sa konstruksyon ng Mindanao Railway Project (MRP).
Aniya, ang MRP ay may habang 1,544 kilometro na magdurugtong sa mga lungsod ng Davao, General Santos, Cagayan De Oro, Iligan, Cotabato, Zamboanga, Butuan, Surigao, at Malaybalay.
Sinabi pa niya na kaya nitong isakay ang 122,000 pasahero kung saan mapapaiksi ang kanilang oras ng pagbibyahe.
Samantala, ang China Railway Design Corporation (CRDC) ang gagawa ng MRP Tagum-Davao-Digos bilang unang phase ng konstruksyon.—sa panulat ni Airiam Sancho