Uumpisahan na sa buwan ng Oktubre ang konstruksyon ng New Manila International Airport sa Bulacan.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni SMC President at COO Ramon Ang.
Ayon kay ang, patuloy ang paglagak ng investment ng SMC sa naturang proyekto,
At kamakailan nga ay natanggap na ng kumpanya ang approval ng justice department hinggil sa itatayong paliparan.
Dagdag pa ni Ang, inaasahang sa susunod na 2-hanggang-3 buwan ay magsasagawa na ng groundbreaking para rito.
Oras na namang maitayo ang paliparan, inaasahang aabot sa 30-milyong mga turista ang makagagamit nito,
Kung kaya’t ayon kay SMC President at COO Ang, ‘game-changer for tourism’ ang naturang proyekto.
Samantala, layon naman ng pagsasagawa ng bagong paliparan, ay ma-decongest o paluwagan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).