Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong gusali ng Senado sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III ang concrete pouring ceremony para sa P8.9-bilyong halagang proyekto.
Ang nasabing seremonya ay tanda bilang pagsisimula ng konstruksyon ng bagong gusali ng Senado na inaasahang matatapos sa ika-21 ng Hulyo, taong 2021.
Sa kasalukuyan ay nangungupahan ang Senado sa government service insurance system headquarters sa Pasay City.