Tinatayang halos 59% na ang completion rate ng MRT-7.
Ayon sa Transportation Department, kabuuang 58.95% nang kumpleto ang 22-kilometer rail line na target matapos sa 2022.
Pagdidiin pa ng ahensya, Agosto taong 2001 pa nang isumite ang unsolicited proposal nito nang noon pang Department of Transportation and Communications (DOTC), habang Agosto noong 2008 nang idaos ang kasunduan para sa concession agreement nito.
Pero inabot pa ng 2 dekada bago mapasimulan ang konstruksyon sa naturang proyekto ng MRT-7.
Samantala, oras na matapos ang MRT-7, inaasahang aabot na lamang sa 35-minuto ang biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte sa Bulacan mula sa kasalukuyang 2-hanggang-3 oras na biyahe nito.