Umarangkada na ang konstruksyon ng North Luzon Expressway (NLEx)-South Luzon Expressway (SLEx) connector na itatayo sa ibabaw ng rail tracks ng Philippine National Railways.
Kasama ang mga opisyal ng NLEx Corporation at kumpanyang D.M. Consunji in (DMCI), nagsagawa ng inspeksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa construction site.
Target ng ahensya na matapos ang mahigit walong (8) kilometrong all-elevated expressway na magkokonekta sa NLEx at SLEx proyekto sa 2021.
Ang bagong expressway ay makikita sa ibabaw ng lumang rail system ng PNP na mula Caloocan City hanggang Sta. Mesa sa Maynila.
Inaasahang mapapaikli nito ang byahe sa 20 minuto mula sa kasalukuyang 2 oras.