Walang Pilipinong nadamay sa pagtama ng magnitude 7.1 na lindol sa Southern California isang araw matapos ang Independence Day celebration sa Amerika kahapon, oras dito sa Pilipinas.
Ayon kay Consul Adelio Angelito Cruz, Consul General ng Pilipinas sa Los Angeles, patuloy naman ang kanilang pagbabantay bagama’t wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa mga kababayang nadamay o nasaktan sa nangyaring lindol.
Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pilipinong nasa Los Angeles sa pamamagitan ng social media upang malaman ang kanilang kalagayan at nagbigay na rin sila ng hotline kung saan sila maaaring matawagan.
Sa kasalukuyan, mayroong 800,000 mga Pilipino ang nananatili ngayon sa Southern California kung saan, 400 dito ang nasa Ridgecrest City na hindi kalayuan mula sa pinangyarihan ng pagyanig.