Nakipagsanib-puwersa ang KonsultaMD, ang nangunguna Telehealth Superapp ng Globe group sa Makati City government para makapagbigay ng libreng online consultation sa mga doktor, anumang oras simula ngayong buwan.
Ang nasabing program ay sisimulan mula sa mga empleyado ng Makati City Hall at kaagad na ikakasa bago matapos ang taon sa mga residente ng lungsod na mayruong yellow card.
Sa pamamagitan ng KonsultaMD superapp makakapag-avail sa mga benepisyong tulad ng e-prescriptions, e-laboratory requests, e-medical certificates, general health consultations, proper medical prescriptions at mental health support.
Ayon kay KonsultaMD CEO Cholo Tagaysay, natutuwa silang maging bahagi ng programa ng Makati City government na mapalakas ang healthcare system para sa mga residente ng lungsod lalo pa’t misyon ng KonsultaMD na makapagbigay ng quality healthcare services sa bawat Pilipino.
Nagpasalamat din si Makati City Mayor Abby Binay sa tulong ng globed at KonsultaMD na kaisa nila para maabot ang inaasam na pagbibigay ng alternatibong online access sa mga duktor para sa mga makatizen sa lahat ng oras at pagkakataon.
Halos tatlong taong trinabaho ng Globe enterprise group at KonsultaMD teams para makumpleto ito sa unang KonsultaMD project katuwang ang Local Government Unit sa National Capital Region bagama’t mayruon nang naunang partnership ang konsultamd sa mga LGU’s sa labas ng Metro Manila.
Binigyang diin ni Globe Group President at CEO Ernest Cu ang commitment ng kumpanya para mapataas pa ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng digital solutions at connectivity kaya’t ipinagmamalaki nila ang pakikiisa sa healthcare system program ng Makati City.
Tiwala aniya silang mapapaigting pa ang partnership ng Globe sa iba pang LGU para makapagbigay ng magandang healthcare services sa mga Pilipino.