Magsasagawa ng malawakang konsultasyon ang Department of Agriculture (DA) kaugnay sa ipapatupad na Implementing Rules and Regulations sa ilalim ng Republic Act 7581 o mas kilala bilang Price Act Law.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, sinuspendi muna ng kagawaran ang implementasyon ng naturang batas matapos magreklamo ang iba’t ibang taga-industriya na nangangambang maapektuhan kapag naging epektibo na ang batas.
Sinabi pa ni Alcala na kung may kinakailangang baguhin sa binuong IRR para maprotektahan ang interes ng prodyuser, stakeholders at mga mamimili ay nakahanda silang ipatupad.
Nakatakdang isagawa ang konsultasyon sa bahagi ng Luzon, susundan sa rehiyon ng Visayas at sa rehiyon ng Mindanao at ang pinakahuli ay ang bahagi ng Metro Manila.
By Rianne Briones | Monchet Laranio