Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang “Konsultayo Arangkada” na magbibigay ng primary healthcare service sa daan-daang residente ng Manaoag, Pangasinan.
Pinasinayaan ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire ang paglulunsad ng Konsultayo Arangkada Van na mayroong diagnostic equipment na idineploy para maserbisyuhan ang iba’t ibang komunidad sa munisipalidad.
Nakatakda namang ipakalat ng dalawang linggo ang naturang van para makapagbigay ng Comprehensive Primary Care Services kabilang ang Risk Assessment for Diseases; Screening and Diagnosis of Communicable and Non-Communicable Diseases; and Preventive or Promotive Services.
Inatasan din ng ahensiya ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth upang i-facilitate ang pagrerehistro sa mga pasyente sa kanilang system. —sa panulat ni Hannah Oledan