Patuloy ang pagbaha ng imported na karneng baboy sa Pilipinas.
Sa datos ng Bureau of Animal Industry, tumaas ng 7% o umabot sa 851.84 million kilos ang imported meat products sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong 2022.
Kumpara ito sa 795.59 million kilos na in-import sa kaparehong panahon noong isang taon.
Mahigit kalahati nito ay pawang pork import o 54% o 464.84 million kilos at pangunahing source ng karneng ay sa Spain, Canada at Brazil.
Ikalawang pangunahing meat import ay manok na 23.73% ng kabuuang inangkat na katumbas ng 244.8 million kilos o bumaba ng 5% kumpara sa 260.31 million kilos sa kaparehong panahon noong 2021.
Pangunahing pinagkukunan nito ay sa Brazil, US at Canada.