Bumaba ang konsumo sa kuryente sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila.
Ito ay ayon sa Department of Energy (DOE) kung saan, natapyasan ng 30% ang nagagamit na kuryente sa Luzon.
Maaari umano itong maging sukatan ng lawak ng epekto sa mga negosyo ng umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon pa kay Energy Secretary Alfonso Cusi, malaking abala na ang Luzon-wide quarantine sa Luzon sa mga proyekto ng ahensya dahil sa mga foreign investors at mga manggagawa na hindi makabiyahe.
Paglilinaw naman ng kalihim, bagaman apektado ang sektor ng enerhiya sa bansa, prayoridad pa rin ng pamahalaan kung paano tuluyang matutuldukan ang krisis na dulot ng COVID-19.