Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa umanong sub-standard o kontaminadong pediatric drugs.
Ito’y makaraang mapaulat na mahigit 100 indibidwal ang namatay sa pag-inom ng cough syrup sa Indonesia at The Gambia.
Pinayuhan ng FDA ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga substandard drug products dahil ito’y nakalalason at hindi dumaan sa tamang proseso.
Posible umanong makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, hirap sa pag-ihi, sakit ng ulo at acute kidney injury ang sinumang makaiinom ng mga kontaminadong syrup.
Una nang nagbabala ang World Health Organization sa pagbili ng cough syrup mula India. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla