Itinuturong dahilan ng ilang mga residente ang kontaminadong tubig dahilan ng diarrhea outbreak sa Barangay Manay, Davao Oriental.
Matatandaang nasawi ang nasa 6 na indibidwal habang isinugod naman sa ospital ang nasa 40.
Nabatid na sa kinuhang water samples ng mga tauhan ng Provincial Health Office (PHO) at Municipal Health Office (MHO) team, lumalabas sa imbestigasyon na mayroong nakitang Escherichia Coli na isang uri ng bacteria.
Dahil dito, isinailalim sa disinfection ang lahat ng mga water reservoir sa lugar.
Sa ngayon, pansamantalang sinusuplayan ang mga residenteng apektado ng kontaminadong tubig. —sa panulat ni Angelica Doctolero