Isang residente ng Sto. Tomas, Davao Del Norte ang nasawi dahil sa diarrhea habang 397 pang mga residente ang ginagamot.
Ayon sa ulat, posible umanong ang kontaminadong tubig ang sanhi ng diarrhea outbreak sa lugar.
Sinabi ng Sto.Tomas Municipal Information Office na lumala ang sitwasyon ng nasabing residente matapos na tumangging magpaospital dahil sa takot na mahawaan ng COVID-19.
Isinailalim naman sa swab test ang 397 residente dahil isa ang diarrhea sa mga sintomas ng COVID-19. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico