Umaasa ang National Capital Region Police Office o NCRPO na magtutuloy-tuloy ang kakaunting bilang ng mga nabibiktima ng paputok.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, sa kalakhang Maynila, tatlong kaso pa lamang ang naitatala na may kaugnayan sa paputok.
“Sana nga po magtuluy-tuloy yan wala po tayong maging major incident dito sa Metro Manila, happy to report na yung mga nasugatan na bata at tatatlo lang, sa kadahilangan po yan ng puro piccolo kaya nasugatan ang ating mga kabataan.” Ani Albayalde
Kasabay nito, nag-deploy din ang NCRPO ng kanilang floating personnel sa mga lugar na may mataas na kaso ng indiscriminate firing noong nakaraang taon.
“Unang-una yung deployment natin, may dagdag po tayo na mga tinatawag nating mga critical areas lalong-lalo na doon sa mga may insidente ng indiscriminate firing last year, last year kasi may mga naging biktima sa Navotas, sa Southern Police at sa nasasakupan ng Manila Police District.” Pahayag ni Albayalde
(Ratsada Balita Interview)