Sinuspinde ng A. Dela Cruz Builders ang konstruksyon ng housing project ng Quezon City Local Government matapos masangkot sa insidente ng pagguho ng scaffolding na ikinasawi ng isang trabahador.
Ito’Y upang maayos na makapag-imbestiga ang pulisya sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa barangay Balingasa, noong Martes.
Ang A. Dela Cruz Builders ang private contractor ng nasabing proyekto sa Sto. Cristo street.
Ayon sa Quezon City Police District, bigla na lamang gumuho ang metal scaffolding sa construction site kaya’t nahulog ang mga manggagawa na ikinasawi ng isa sa mga ito na si Francis Azures, kwarenta’y singko anyos, residente ng barangay Baesa.
Sampung iba pa ang nasugatan sa nangyaring insidente na pawang nagtamo ng minor injuries.
Samantala, nagpaabot na umano ng tulong ang private contractor sa pamilya ng mga biktima.