Tiyak na papatayin ng kontraktwalisasyon ang kahusayan ng mga Pilipino.
Ito ang binigyang diin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang tanungin hinggil sa kalagayan ng labor sector sa bansa.
Babala pa ng alkalde, sisirain ng kontraktwalisasyon ang workforce ng bansa dahil hindi nito mabibigyan ng matatag na trabaho ang bawat Pilipino.
Kaya naman, sinabi ni Duterte na isa ito sa kanyang bubuwagin kapag siya ang nahalal na pangulo sa susunod na taon.
***
Samantala, pabor si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ilagay sa house arrest si dating Pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon sa alkalde, nananatiling inosente pa rin naman si Ginang Arroyo sa kasong kanyang kinakaharap kaya’t dapat lamang na luwagan ang pagtrato rito ng gobyerno.
Aniya, kailangan pa ring patunayan ang mga alegasyong ibinabato laban sa dating pangulo sabay banat sa mga kritiko nito na maging sila man na nag-aakusa ng katiwalian ay tiwali rin naman.
Kasunod nito, sinabi rin ni Duterte na pabor din siya na maihimlay na sa libingan ng mga bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By Jaymark Dagala