Nilagdaan na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kasunduan para sa pagbili ng dalawang Corvette ng Philippine Navy sa South Korea.
Sinaksihan ito nina AFP Chief of Staff General Andres Centino, Philippine Navy Flag-Officer-In-Command Vice Admiral Adeluis Bordado at ilan pang opisyal.
Nagkakahalaga ang dalawang warship ng 28 bilyong piso kung saan mayroon itong anti-ship, anti-submarine at anti-warfare capabilities.
Bibilhin ang mga barko sa Hyundai Heavy Industries (HHI) na gumawa rin sa dalawang frigate ng navy na BRP Jose Rizal (ff-150) at BRP Antonio Luna (ff-151).
Inaasahan na mapapadali nito ang maintenance at repairs ng mga asset ng navy.
Magiging karagdagan din ito sa Corvette ng navy na BRP Conrado Yap na mula rin sa South Korea. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)