Posibleng lagdaan na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pinasok na kontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ikatlong TelCo na Dito Telecommunity Corporation.
Ayon sa kalihim, wala naman siyang nakikitang mali sa nasabing kasunduan lalo’t hindi naman nito gagamitin ang mismong mga pasilidad sa mga kampo Militar.
Una nang sinabi ni Lorenzana na tulad ng ibang TelCo, kakabit lamang ang Dito Telecommunity Corporation kanilang mga kagamitan sa mga tore na nasa labas ng kampo Militar.
Magugunitang Setyembre 11 nang lumagda ng kasunduan ang nuo’y AFP Chief of Staff na si retired Gen. Benjamin Madrigal sa Dito – TelCo, panahon kung saan wala si Lorenzana sa bansa.
Subalit sinabi na nuon ng Kalihim na kaniyang rerepasuhin ang nasabing kasunduan at pag-aaralang maigi upang hindi malagay sa alanganin ang interes ng bansa.