Tuluyan nang itinigil na ng Department of Transportation o DOTr ang maintenance contract ng Busan Universal Rail Incorporated o BURI sa MRT o Metro Rail Transit Line 3.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, pinal na ang kanilang desistyon na i-terminate ang kontrata ng BURI dahil sa poor performance o kabiguan nito na maibigay ang serbisyong kinakailangan sa maintenance ng MRT-3.
Nabigo rin umano ang BURI na i-overhaul ang 26 na mga lumang tren ng MRT-3.
Nakahanda naman ang maintenance transition team na binuo ng DOTr na mangangasiwa sa pag-mantine ng MRT-3.
Samantala, iginiit ng BURI na walang batayan ang pag-terminate ng DOTr sa kanilang maintenance contract na dapat ay magtatapos pa sa 2019 ng Enero.
Ayon sa abogado ng BURI na si Atty. Maricris Pahate, walang nangyaring konsultasyon bago naglabas ng desisyon ang DOTr.
Hindi rin aniya dapat sisihin ang BURI sa mga aberya sa MRT-3 dahil matagal na itong napabayaan bago pa sila pumasok bilang maintenance provider.
—-