Nilinaw ng DOT o Department of Tourism na minana lamang nila ang kontrata sa Mc Cann World Group Philippines mula sa nakalipas na administrasyon.
Ito’y ayon kay Tourism Spokesman Asst/Sec. Ricky Alegre makaraang kanselahin na ng ahensya ang kanilang kontrata sa nasabing kumpaniya
Ang Mc Cann ang siyang gumawa ng kontrobersyal na campaign advertisement na “Sights” na binatikos naman dahil sa tila kinopya ito sa tourism campaign ng South Africa nuong 2014
Sa panayam ng programang Doble Banda kay Alegre, ginawa nila ang desisyon matapos ang masusing pagsusuri sa nasabing ad gayundin ang pagkunsidera sa mga natanggap nilang feedback mula sa publiko
Kasunod nito, sinabi ni Alegre na muli nilang bubuksan ang bidding at procurement process para sa bagong campaign ad na nakasalig sa slogan na “It’s More Fun in the Philippines”.
By: Jaymark Dagala