Pinabubusisi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang sangay ng gobyerno ang iba pang kontrata ng pribadong kumpanya sa pamahalan.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay para maayos ang mga kontratang tagilid na ikinalulugi ng gobyerno at ng taumbayan.
Sinabi ni Panelo na hindi lang ang kontrata ng Maynilad at Manila Water ang sinisilip ngayon ng Department of Justice kundi maging ang iba pang kontrata.
Una nang pinagbantaan ng Pangulong Duterte ang mga telecommunications company na mag-ayos-ayos kasabay ang pagtiyak na magiging madugo rin ang kaniyang kampanya laban sa mga mayayamang negosyante na hindi nagbabayad ng buwis.