Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng National Basketball Association (NBA) ang kontratang pinirmahan ni NBA star at point guard-shooting guard James Harden sa Philadelphia 76ers.
Ito ay dahil sa posibleng nagkaroon ng tampering o problema sa pinasukang kontrata ni Harden ngayong summer agency kasama sina P.J. Tucker at Danuel House.
Nabatid na tinanggihann umano ni Harden ang $47.4 million na player option para sa Season 2022-2023 at pumayag itong bawasan ang kanyang sweldo para tanggapin ang dalawang taon na kontrata na nagkakahalaga ng $68 million.
Naging usap-usapan din na posibleng matagal nang plantsado ang naturang kontrata at kung totoo ang nasabing isyu, maituturing na isang paglabag sa collective bargaining rules ang ginawa ni Harden.
Matatandaang ganito din ang naging sitwasyon ng Chicago Bulls at Miami Heat na pinatawan ng parusa ng NBA at inalisan ng karapatan sa second-round pick.
Sa ngayon, ipinatawag na ng NBA ang presidente ng 6ers maging ang mga team personnel nito para pag-usapan ang kontrata ni Harden.